Mahalagang Paalala mula sa Philippine Embassy, Singapore

Mahalagang Paalala

Pinaaalalahanan po ang lahat na ang pagbatikos sa isang lahi o relihiyon ay mahigpit na ipinagbabawal sa Singapore. Mangyari lamang iwasan nating makilahok sa mga talakayan, kabilang sa mga social media, na maaring makasakit sa damdamin ng isang pangkat o di kaya’y magdulot ng hidwaan sa pamayanang ating ginagalawan. Huwag na rin po tayong makisangkot sa mga ganitong uri ng usapan kahit iba ang magsimula o magpasimuno nito. Ipakita natin na ang Pilipino ay marunong makitungo at makipagkapwa-tao.

Pagbutihan natin ang paggawa at pahalagahan ang hanapbuhay na nagdala sa atin sa bansang ito, at pag-ibayuhin ang ating talino at kakayahan upang patuloy na makatulong sa ating mga pamilya at sa pag-unlad ng ating bayan.

Salamat sa inyong pakikiisa.

Source: https://www.facebook.com/PhilippineEmbassySingapore/posts/467263549953094

comments powered by Disqus

blogroll

social