20 Things You Should Know About Singapore

Here are few things I noticed about Singapore so far:

  1. Right hand side

    Unang mapapasin kapag sumakay ng taxi from airport. Right hand drive ang mga sasakyan dun, meaning left side of the road ka magda-drive and ang signs nasa left din. Kahit sa paglalakad kailangan sa left-side din.

  2. Escalator

    Cool ang escalator nila. 'Pag walang nakasakay, mabagal. 'Pag loaded naman, mabilis. Mas mabilis pa sa escalator natin. High-tech di ba? Tsaka kung hindi ka nagmamadali kailangan magstay sa left side ng escalator. Yung right side para sa mga nagmamadali.

  3. MRT

    Mas maluwag, mas malinis at mas mukhang bago ang MRT station nila dun. Mas disiplinado ang tao, although may mga pasaway pa rin, mas marami pa rin yung matitino. Pinauuna nila yung lalabas bago sila pumasok. Yung upuan nila dun, dedicated lang para sa x number of people. Hindi pwedeng sumingit kahit na may nakikita ka pang space. Yun mga matatanda dun makikipag-unahan talaga sayo pumasok or umupo. Unlike dito sa pinas, mostly gentleman talaga ang mga guys. Ang MRT card nila mas maganda kesa dito sa pinas. Tsaka tina-tap hindi pinapasok. :)

  4. Food

    Hokkien Prawn Mee, yun yung popular na pansit nila dun. Masarap sya. Yung siomai nila, mas masarap kasi may hipon. Yung Chili Crabs and Baby Kai Lan with Oyster Sauce the best. Sarap! For dessert, Chilled longgan with Jelly. Pero mas masarap pa rin ang Pinoy Food. :)

  5. Fast Food

    Mas masarap ang burger ng Burger King sa pinas. At mas career ang fries natin dito sa pinas! Walang rice sa Mc Donalds! Sa KFC, wala rin. Ang gravy may bayad pa! Pero mas malaki ang servings nila dun. OK na rin panlaman ng tiyan.

  6. Pork and Beef

    Mahal ang baboy at baka. Mga 1/4 kilo nasa around SGD 3.00 na.

  7. Selecta

    Yung selecta ice cream natin dito, Wall's ang tawag nila dun.

  8. Coffee Bar

    And daming Coffee Bean and Tea Leaf and Starbucks na nakakalat. Ang Starbucks, walang coffee jelly. Haay...

  9. Water

    Safe ang tubig nila. Hindi na kailangan i-filter or i-boil. Kahit direct from the faucet, OK lang.

  10. Yosi at Alcohol

    Mahal ang yosi at alcohol sa Singapore. Goodluck na lang sa mga addict sa sigarilyo at alak. S$10-12 or Php300-400 para sa isang pack ng Malboro at isang bote ng San Miguel beer.

  11. Vehicles

    Mahal din ang kotse dun. Triple daw ng presyo sa pinas. But if you're just here to work, it doesn't matter, maganda naman ang transportation system nila sa Singapore. Hindi nila kailangan magkotse.

  12. Taxi

    Ang babait nila Uncle! Uncle ang tawag sa mga taxi drivers nila dun. Tama magsukli at laging may metro, may receipt pa! Hindi uso dun ang mga nangongontrata ng pasahero. Pwede ka palang magbayad sa taxi via credit card.

  13. Street Signs

    Sagana sila sa street signs. Hindi ka mawawala. Bawat kanto may street name. Even yung mga bus stop may names din. May list din kung anong buses ang dumadaan at kung saan dadaan.

  14. Bus Station

    Pinag-isipan ang bus station nila dun. Ang pilahan nila dun, color-coded. Hindi ka mawawala sa pila.

  15. Malls

    Wala namang kakaiba sa malls nila. Mas malaki lang ang malls sa pinas. Walang checking ng bag sa mall nila. Konti lang ang guards nila dito, CCTV lang. Hehe!

  16. It's Clean

    Sadyang malinis ang Singapore. Bawal dumura. Bawal umihi sa tabi-tabi. Bawal ang chewing gum din. Nung una akala ko sa airport lang malinis. Pero hindi, buong Singapore malinis.

  17. It's Green

    Kahit na civilized na ang Singapore, marami pa ring puno kaya somehow nakakarelax pa rin.

  18. It's Safe

    Very safe sa Singapore. Kahit 1-2am sa daan, safe na safe pa rin. Kahit iwanan mo ang laptop and cellphone mo sa ibabaw ng table hindi mawawala.

  19. Weather

    Maulan ang November and December. Yung ibang araw, makulimlim lang kaya masaya gumala hindi masyadong mainit.

  20. Sunrise and Sunset

    Late lumubog at sumikat ang araw sa Singapore. Seven o'clock in the morning na nagigising si haring araw at seven din in the evening nagtatago. Kaya kahit 8pm na akala mo maaga pa rin kasi kalulubog lang araw.

comments powered by Disqus

blogroll

social