Just to share my own short story before I’ve finally decided to leave Philippines and welcome the opportunity to work here in Singapore.
5 months kong pinagisipan ang tanong na to:
“Am I willing to leave my family, take the risk of losing my stable job, miss the good time with friends, and most of all, escaping from my “comfort zone” for the past 26 years?”
I was really scared to the idea na aalis ako sa nakasanayan kong buhay. However, i felt that certain excitement of facing my “new life”. Bukod sa mga common reasons na narinig ko sa ibang friends na “gustong makalimot” from their “past”, it’s also the fact that I don’t know if I am totally ready for an independent life which I am really not used to.
Sabi nga ng isang friend ko, if sa tingin mo, wala ka man makuhang work dito, at pagbalik mo ng Pinas eh confident ka pa rin na may mahahanap kang work, go go na! Naisip ko, “pano ko nga naman malalaman kung magiging OK ang pag alis ko if i will not try?” Takot man ako for this total risk taking, I know I want to try. I expected the worst and hoped for the best.
I resigned from my more than 4-year job in the Philippines. I grabbed a promo fare from Cebu Pac - two way ticket for P4,900.00. Ready na yata talaga ko, wala ng atrasan to. Ang baon ko? Bukod sa luggage ko with my basic needs, pocket money, eh isang toneladang “lakas ng loob”.
Take note: 1st time ko malayo sa family ko (na never ako pinayagn mag-dorm even college) at ang nakakatawa sa lahat nakakahiya man: first time din makasakay ng eroplano.
As of now, 6 months na rin pala ko dito. Nakapag adjust na kahit paano. D pa naman katagalan para sa iba, pero para sa akin, parang napakatagal ko na dito - missing the important people in my life and Pinas as a whole, sabihin man nilang bulok at walang asenso, still, what I truly can call “HOME”.